top of page

NEW ENROLLMENT GUIDELINES

  • Writer: San Roque National High School DepEd
    San Roque National High School DepEd
  • May 31, 2020
  • 2 min read

SAN ROQUE NATIONAL HIGH SCHOOL, BAMBAN, TARLAC

Update for enrollment June 1 to June 11,2020 ***TULOY LANG ANG ONLINE ENROLLMENT SA MGA MAY ACCS***


Paano po ang Enrolment?

Wala pong face to face enrolment. Hindi niyo na kailangang magpunta pa sa school para ipaenroll ang inyong mga anak.

Paano po ang proseso ng enrollment?

Kayo po ay kinakailangang mainterview para sa mga mahahalagang detalye. Sa pamamaraang: A. Phone call B. Text C. Messenger D. Pag sagot sa Enrolment Form Iniiwasan po natin ang pagkakaroon ng face to face interaction bilang safety precaution for Covid 19.

Paano na po yung mga sumagot na sa ONLINE ENROLMENT/SURVEY?

Para po sa mga nakapagparegister, nakapagpaenroll na gamit ung online survey, automatic enrolled na po kayo. Ngunit kulang ang mga detalyeng hiningi sa online survey. Kaya hinihikayat parin po na makapagpaenroll through phone calls, text or messenger para makumpleto yung kulang na impormasyon.

Magkakaroon po ba ng face to face na klase?

Iniiwasan po natin ang face to face na klase para sa safety ng bata at ng teachers. Ayon po sa Learning Continuity Plan ng Deped, nakaangkla ito sa prinsipyo ng mapangalagaan ang safety and well-being ng learners, teachers at other personnel.


Ibig bang sabihin ONLINE na?


May tinatawag po tayong LEARNING DELIVERY MODALITIES or paraan kung paano matuturuan ang bata. Isa po diyan ang DISTANCE LEARNING: Ito po yung dalawang klase: A. Online Distance Learning B. Modular Distance Learning


Ang ONLINE DISTANCE LEARNING ay para sa mga batang may gadgets na maaaring magamit tulad ng android phone, laptop, desktop at tablet. Para po ito sa mga may maayos na Internet connection.


MODULAR Distance Learning po ay ang paggamit ng mga printed modules and worksheets na sasagutan ng bata sa bahay.


Paano naman po kung walang gadget at wala ring internet connection?

Meron po tayong ibang Learning Delivery Modality para sa kanila. Meron po tayong MODULES at WORKSHEETS. Magkakaroon din po ng DEPED TV Channel.


Sinisiguro po ng Deped na sa kabila ng krisis na dala ng Covid, hindi po hihinto ang pagkatuto ng ating mga anak. At ang ibat ibang Learning Delivery Modalities po natin ay pinagaralan ng DepEd para lahat ng bata ay tuloy paring makapag-aral may gadget man o wala, may Internet man o wala.


Wala muna pong pupunta sa School... just pm or call po if u have concerns or txt or call po ang mga previous teacher - advisers


SRNHS-ADMIN SALAMAT PO.....

 
 
 

Recent Posts

See All
SRNHS-ENROLLMENT FOCAL PERSONS

Good day to all ROQUEANS, be informed that remote enrollment will be implemented from June 1-11, 2020. No face to face enrollment will be...

 
 
 

Comments


bottom of page